Municipal Social Welfare and Development Office
📧 Email Address:
mswdo@alitagtag.gov.ph
☎️ Contact Number:
(043)706-8841
Vision
The Office of the Municipal Social Welfare and Development shall strive to empower disadvantage individuals, families, group of Alitagtag to realize their fullest to become key contributors to national progress.
MISSION
The Office of the Municipal Social Welfare and Development aims to provide:
Care protection, rehabilitation and uplifting of disadvantage individuals, families and communities.
Protection of the psycho-social functioning of these segments of the population who are in socially disabling and dehumanizing conditions.
Promotion of preventive and developmental strategies, interventions and approaches for disadvantage.
ORGANIZATION CHART
PROGRAMS/PROJECTS
CASH CARD DISTRIBUTION
Kasalukuyang isinasagawa ang Cash Card Distribution para sa unang batch ng mga Senior Citizens ng ating bayan bilang bahagi ng Unconditional Cash Transfer Program (UCT) ng Department of Social Welfare and Development. Inaasahang aabot sa 1,067 nating kababayang Senior Citizens ang tatanggap ng cash card ngayong araw.
Sa pakikipag-ugnayan ng ating tanggapan kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Gng. Sylvia Catanyag, mas naging maayos ang proseso ng nasabing programa.
Ipinaabot po natin ang pasasalamat sa mga tumulong at naging bahagi ng programang ito - DWSD Region IV-A, Landbank Bauan Branch, Sangguniang Bayan Members at lahat ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Alitagtag. Taos pusong pasasalamat din sa aming mga volunteers gaya ng Tau Gamma Phi, Batangas Varsitarian at mga BHWs na aming kabalikat sa paglilingkod sa ating bayan.
EDUCATIONAL ASSISTANCE DISTRIBUTION
03.07.2022
Halos anim na daang kabataang Alitagtagueño ang tumanggap ng ayudang pang-edukasyon mula sa Lokal na Pamahalaan ng Alitagtag. Ang pamamahagi ng educational assistance sa mga benepisyaryong mag-aaral sa kolehiyo ay pinangunahan ng Office of the Mayor, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office.
Batid namin na hindi sapat ang ayudang ito, ngunit umaasa po kami na makakatulong ito sa pagpapayabong ng kaalaman ng bawat mag-aaral sa Alitagtag at kahit paano ay maibsan ang hirap na nararanasan ng mga magulang at estudyante na maitawid ang pag aaral sa gitna ng pandemya.
Social Pension for Senior Citizens
Noong ika-2 ng Marso, tumanggap ng Social Pension para sa mga buwan ng Enero hanggang Marso ang 1,399 Senior Citizens mula sa pondo ng Department of Social Welfare and Development.
Hindi man po mabigyan ng pension ang lahat ng lolo't lola sa ating bayan, asahan nyo pong patuloy na gumagawa ng paraan ang ating lokal na pamahalaan upang makapaghatid ng tulong sa inyong lahat. Sa patuloy na pagpatnubay ng ating Poong Maykapal, makakaraos din po tayo at mananatiling Bayang Matatag ang Alitagtag!